Connect with us

Presyo ng mga bilihin sa merkado, tuloy ang pagsirit

Presyo ng mga bilihin sa merkado, tuloy ang pagsirit

National News

Presyo ng mga bilihin sa merkado, tuloy ang pagsirit

Wala nang preno ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa merkado tulad ng bigas at karneng baboy.

Ngayon, pati ang presyo ng manok, nag taas na rin.

Ito ang sinabi ng United Broiler Raiser’s Association (UBRA) matapos malugi ang ilang industry players kasunod ng oversupply noong huling bahagi ng 2023.

Dahil daw diyan kaya apektado ang presyo ng manok sa mga pamilihan.

Sa katunayan, batay sa monitoring ng Department of Agriculture (DA) patuloy ang pagsirit sa presyo ng karneng manok na umabot na sa P250 kada kilo.

Ayon sa grupo, maituturing na record high ang presyuhan ng manok ngayon.

Ayon kay Feliciano, “Yung ibakasi they tried to take advantage ng supply situation. So, kung sa isang palengke wala talaga silang makuha at sila lang ang mayroon susubukan talaga nilang P250 kasi in comparison sa pork na nasa P400 plus mura pa rin ang P250 na manok.”

Hindi rinisinasantabi ng UBRA ang posibilidad na may nananamantala sa presyo dahil hindi dapat ito lumagpas sa P220 – P230 kada kilo.

Hindi na rin nag-aalaga ang ilang players dahil mataas na rin ang presyong patuka at iba pang farm inputs habang ang ilang manok ay hindi rin lumalaki sa tama nitong timbang dahil sa init ng panahon na dulot ng El Niño.

Pero, nakahanda raw tumulong ang Department of Agriculture (DA) sa naturang industriya.

Bukas daw ang ahensya na makipag-dayalogo para malaman ang mga hinaing at matulungan o mabigyan ng interbensyong kinakailangan.

Ayon kay Deogracias Victor Savellan, Undersecretary for livestock ng DA, “Sa livestock naman mayroong mga programa kami na tumulong sa mga layer, sa mga broiler, in different kinds. May pag tulong sa kanila in terms of additional funds na gagamitin nila, especially sa mga coop.”

Nag sasagawarin ng monitoring ang DA sa mga pangunahing pamilihan upang malaman kung risonable pa ang presyuhan nito.

Hinikayat ng DA official ang mga mamimili na humanap ng iba pang mabibilhan ng produkto sa murang halaga.

May nakikita ring alternatibong feeds ang DA para sa mga player ng livestock industry na abot kaya lamang.

Saad ni Savellano, “Unang-una ang ginagawa namin sa livestock ngayon, tinitingnan namin iyong alternative raw materials for feeds, kasi ‘yan ang nag papamahal sa production o pagkain ng mga animales natin. Locally, ‘yan lang ang tinitingnan namin ang alternatibong ingredients para mapamura natin and then ang isa pa sa baboy kunwari sa baboy, mayroon kaming INSPIRE program na binago namin para iyong mga area na pwede sila uling mag-alaga ng baboy matutulungan namin.”

More in National News

Latest News

To Top