Connect with us

Presyo ng produktong petrolyo, posibleng bumaba sa susunod na linggo

Matapos ang ipinatupad na dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo nitong Martes, rollback naman ang inaasahan sa susunod na linggo.

National News

Batay sa monitoring ng Department of Energy (DOE), P0.40 hanggang P0.50 ang posibleng mabawasan sa presyo ng kada litro ng gasolina.

P1.00 hanggang P1.35 sa Diesel habang P0.80 hanggang P1.35  sa kada litro ng kerosene.

Posible naman itong magbago sa magiging resulta ng trading nitong Biyernes bago ang pinal na anunsyo ng mga kumpanya ng langis sa Lunes, Nov.6.

Batay sa tala ng DOE, umabot na sa P14.20/liter ang year-to-date net increase sa gasolina habang P10.45/liter sa diesel at P5.04/liter for kerosene.

More in National News

Latest News

To Top