National News
Presyo ng retail price, hindi na babalik sa P40/kilo – grupo ng mga magsasaka
Hindi na babalik pa sa dating P40/kilo ang retail price ng bigas.
Ayon sa Federation of Free Farmers, ang landed cost ng imported rice ay nasa P45 – P50/kilo na.
Ang susunod na local harvest pa anila ay matatagalan dahil sa El Niño.
Tinatayang sa Setyembre at Oktubre pa ang susunod na anihan.
Sa ngayon, nasa P50 – P52/kilo ang retail price ng well-milled rice ayon sa Department of Agriculture (DA).
Ang presyo ng local well-milled rice ay P48 – 55/kilo; nasa P51 – P58/kilo ang local premium rice; habang P56 – 65/kilo ang local special rice.
Samantala, ang imported regular milled rice ay nasa P48 – P51/kilo; imported well-milled rice sa pagitan ng P51 at P54/kilo; ang imported premium rice ay nasa P52 at P60/kilo; at imported special rice sa pagitan ng P57 at P65/kilo.
