Metro News
Presyo ng tilapia at bangus sa NCR, tumaas
Tumaas ng P10 hanggang P30 ang presyo sa kada kilo ng tilapia at bangus.
Paliwanag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na mataas ang demand nito dahil limitado ang suplay ng isdang alat dahil sa closed fishing season.
Batay sa price monitoring ng Agriculture Department (DA), naglalaro sa P110/kg-P160/kg ang presyo ng tilapia 2 linggo ang nakaraan, ngayon ay tumaas na ito ng P10/kg.
Habang ang bangus dati ay nasa P150/kg hanggang P220/kg na ngayon ay nasa P30/kg na ang itinaas.
Magtatapos naman sa Enero 31 ang closed fishing season at magbubukas na sa Pebrero 1.
Nababahala naman ang grupo ng mga mangingisda na Tugon Kabuhayan sa posibleng epekto ng El niño sa industriya.
Matatandaan, sinabi ng BFAR na posibleng makaranas ng fish kill sa aquaculture kung titindi pa ang epekto ng El Niño.
Ani Atty. Asis Perez ang lead convenor ng grupo, “Pero, ‘yung mga area na nakadepende sa fresh water ayan halimbawa tilapia o hindi kaya ‘yung mga blackish water pond na kung saan naghahalo ‘yung fresh water at tsaka salt water medyo maapektuhan ‘yun bababa ‘yung production kaya ‘yung mga fishpond nandoon sa fresh water the production of those area will definetly go down.”