Connect with us

Presyo ng tinapay, posibleng tumaas ngayong Holiday season

Presyo ng tinapay, posibleng tumaas ngayong Holiday season

National News

Presyo ng tinapay, posibleng tumaas ngayong Holiday season

Sinabi ng Philippine Federation of Bakers’ Association (PFBAI) na lubhang naapektuhan ngayon ng mahal na raw materials at logistics ang mga maliliit na panaderya.

Babala ng grupo, posibleng tumaas ang presyo ng tinapay ngayong Holiday season.

Kaugnay nito, aminado ang Department of Trade and Industry (DTI) na higit 60 manufacturers ang ilang buwan nang humihiling na magtaas presyo sa kanilang mga produkto.

Bagamat hindi nabanggit kung magkano ang nais idagdag na taas-presyo, kabilang sa humiling ng price hike sa kanilang mga produkto ang mga manufacturer ng sardinas, pandesal, noodles, canned goods, at bottled water.
Sabi ng DTI, kung magtataas ay hindi dapat lumagpas sa 10% ng kasalukuyang suggested retail price (SRP) ng isang produkto ngunit may nilinaw si DTI Sec. Cristina Aldeguer-Roque dito.

Aniya, marami pang kailangang tingnan bago aprubahan ang hiling na taas-presyo. “We also need to be sensitive to the needs of the consumers. So, we need to really balance everything to be able to come up with a correct decision whether mag-increase ng price or not. Napapanahon po ba na magtaas presyo? Ngayon, hindi pa napapanahon.”

Samantala, ang pahayag ni DTI Sec. Roque ay pinalagan naman ng Canned Sardines Association of the Philippines (CSAP).

Anila, higit isang taon na silang umaapela sa DTI na payagang magtaas-presyo sa ilang brand ng sardinas.

Sinabi ni CSAP Executive Director Francisco Buencamino, dahil hindi napagbigyan na nagresulta ng pagkalugi, may ilang manufacturers na ang huminto sa kanilang operasyon. “We are asking for something like P3 from a year ago. Hindi nila inaaksyunan ‘yung request ng mga sardine manufacturers. Kaya nga kami nagre-reklamo dahil ang dami na nalulugi.

It is really damaging the industry. There comes a point when we are reaching our limitations.

So, continues ang nagiging lugi, we might have to suspend our operation.”

More in National News

Latest News

To Top