National News
Price control, numero unong kalaban ng farm productivity – agri group
Numero unong kalaban ng farm productivity ang price control.
Ito ang sinabi ni Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc. (PCAFI) President Danilo Fausto sa panayam ng Sonshine Radio hinggil sa pagpapatupad ng price ceiling sa bigas.
Dahil dito, ayon kay Fausto, dapat hindi gawing pangmatagalan ang hakbang na ito at sanay hindi na lalagpas ng 1 o 2 buwan ang pagpapatupad ng price ceiling.
Nauna namang pinawi ng National Economic Development Authority (NEDA) ang pangamba ng stakeholders lalo pa’t malapit na ang anihan ng palay ngayong buwan.
Maliban pa dito ay determinado na ang pamahalaan sa pagtugis sa mga hoarders at price manipulators.
