Connect with us

Price control sa mga pangunahing bilihin, ipinatitiyak ng Palasyo

Price control sa mga pangunahing bilihin, ipinatitiyak ng Palasyo

National News

Price control sa mga pangunahing bilihin, ipinatitiyak ng Palasyo

Ipinag-utos na ng palasyo ang price control sa mga maituturing na essential medicines at mga suplay sa mga piling agriculture at fishery commodities.

Ito ay dahil parin sa epekto ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Batay sa ipinalabas na Memorandum Circular No.77, inaatasan ang mga pamahalaang lokal na tiyaking masusunod ang pagpapatupad ng price control sa kanilang nasasakupan kasunod na rin ng deklarasyon ng state of calamity sa buong bansa.

Inatasan namang gawin ang price monitoring ng Department of Health (DOH), Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) ang pag-monitor sa mga presyo sa kanilang nasasakupan.

Ipapatupad naman agad ang price control matapos ipalabas ang nasabing memorandum.

More in National News

Latest News

To Top