Connect with us

Price freeze, dapat ipatupad sa panahon ng MECQ – Sen. Marcos

presyo mahigpit binabantayan DTI

National News

Price freeze, dapat ipatupad sa panahon ng MECQ – Sen. Marcos

Nanawagan si Senador Imee Marcos sa Department of Trade and Industry (DTI) na magpatupad muli ng ‘price freeze’ sa lahat ng mga pangunahing bilihin ngayong muling umiiral ang Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ.

Ito ay upang mapigilan aniya ang mga mapagsamantalang negosyante sa panahon ng MECQ.

Ayon kay Marcos, tiyak na sasamantalahin ng mga negosyante para itaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga merkado.

price freeze

Binigyan diin pa ni Marcos na kailangang bantayan ang presyo ng manok, baboy, isda, mantika, noodles, bigas, de latang sardinas, tinapay at iba pang mahahalagang produkto na kalimitan ay binibili ng mahihirap na consumers o mamimili.

Samantala, binalaan naman ni Senator Sherwin Gatchalian ang Manila Electric Company o Meralco at iba pang mga Distribution Utilities(DUs) sa posibleng pagbibigay ng hindi maipaliwanag na electric bill sa mga consumer kasunod ng muling pagsasailalim ng bansa sa MECQ.

Ayon kay Gatchalian, ngayong nasa lockdown ulit ang Metro Manila ay baka hindi na naman makapagbasa ng metro ang Meralco at hulaan na lamang ang magiging consumption ng mga customers.

Matatandaan na inulan ng napakaraming reklamo ang Meralco at iba pang DUs matapos ang mga naiulat na Overestimation sa Electric bill ng mga consumers sa mga buwan na umiral ang Enhanced Community Quarantine(ECQ).

Matatandaan naman na sinabi ng Meralco sa isang pagdinig sa Senado na ginawa nila ang Estimation sa electric bill sa buwan ng Marso at Abril dahil sa hindi sila nakapagbasa ng metro sa kasagsagan ng lockdown.

Ginawa lang din nila ang estimation base sa average consumption ng isang consumer mula Disyembre hanggang Enero.

More in National News

Latest News

To Top