Connect with us

Prince Charles of Wales, papalit bilang pinuno ng UK

International News

Prince Charles of Wales, papalit bilang pinuno ng UK

Papalit kay Queen Elizabeth II bilang pinuno ng United Kingdom ang 73-years old na panganay na anak nitong si Prince Charles of Wales.

Kasunod ito ng pagkamatay ng reyna kaninang madaling araw, Philippine Time.

Hindi pa tiyak kung anong pangalan ang dadalhin ni Prince Charles sa kanyang pag-upo bilang pinuno ng United Kingdom subalit posibleng pipiliin nito bilang King Charles III.

Unang naging matunog ang pangalan ni Prince Charles nang ikinasal sila ni Lady Diana Spencer noong 1981 at maging sa divorce nila noong 1990s.

Samantala, tatawagin namang Queen Consort ang pangalawang asawa ni Charles na si Camilla Parker Bowles.

Matatandaan na noong Pebrero 2022 sa selebrasyon ng platinum jubilee ay naglabas ng pahayag si Queen Elizabeth kung saan inanunsyo nito na kung maging hari si Charles ay tatawagin bilang Queen Consort si Camilla.

Hiniling din ng Reyna na ang kaparehong suporta na ibinigay ng taumbayan sa kanya kina Charles at Camilla.

Si Camilla ay isang divorcee nang magpakasal kay Prince Charles.

More in International News

Latest News

To Top