Showbiz
Prince Harry at Duchess Meghan, magtatayo ng bagong charity
Magtatayo ng panibagong charitable organization ang royal couple na sina Prince Harry at Duchess Meghan.
Ito ay matapos bitawan nina Harry at Meghan ang kanilang royal duties.
Tatawagin ang nasabing charity na “Archewell” na siyang katunog ng pangalan ng kanilang anak na si “Archie”.
Sa ngayon na nagsasarili na ang dalawa, sinabi nina Prince Harry at Meghan na mag fo-focus sila sa kanilang pamilya at sa pagkakawanggawa.
Saad din ng dating royal couple na isa sa kanilang susuportahan ang laban kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at pag-uusapan kung ano ang dahilan ng nasabing virus.