Connect with us

Prinsipyo ni FPRRD sa buhay at politika, hinahangaan ni Pastor ACQ

Prinsipyo ni FPRRD sa buhay at politika, hinahangaan ni Pastor ACQ

Kingdom News

Prinsipyo ni FPRRD sa buhay at politika, hinahangaan ni Pastor ACQ

Hanga si Pastor Apollo C. Quiboloy kay dating Pang. Duterte sa pagkakaroon nito ng maayos na prinsipyo sa buhay. Ani Pastor Apollo, sa public service kung prinsipyo ang pinag-uusapan kalakip nito ay katapatan sa paghawak ng pera ng taumbayan.

Sa programang Spotlight inihayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng the Kingdom of Jesus Christ ang suporta sa pananaw ni dating Pang. Rodrigo Duterte ukol sa prinsipyo sa panunungkulan sa gobyerno

Kasunod ng programang Gikan sa Masa Para sa Masa noong Lunes, November 6, ay nag-post sa Facebook ang dating pangulo at nakasaad nga dito,

“Ang importante kasi ‘yung prinsipyo. Kung may prinsipyo ka, magkakaintindihan talaga tayo. Ngayon, kung wala kang prinsipyo sa buhay at basta papayag ka lang just because of pakikisama even if you’re doing the wrong thing…do not expect me to clap my hands every time you make a stupid thing there,” pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ani Pastor Apollo, sa public service malinaw na kung prinsipyo ang pinag-uusapan iyon ay may kaugnayan sa pera, kung paano pinamamahalaan ng mga nasa kapangyarihan ang pera ng taumbayan.

Kamakailan nga ay naging matunog ang isyu ng pagbubukas ng book of accounts ng Kamara kasunod ng panawagan ni dating Pang. Rodrigo Duterte na gawing transparent ito sa publiko kasunod ng pahayag na isa sa most rotten institution ng gobyerno ay ang Kamara.

Malinaw aniya na kung pera ang pinag-uusapan ay kalakip ang salitang transparent lalo na kung ito ay pag-aari ng publiko o isang organisasyon.

Ayon pa kay Pastor Apollo, kaya umunlad ang bansang Singapore ay naging matalino si Lee Kuan Yew, dating prime minister ng bansa, sa pagpili ng mga mamumuno sa gobyerno nito, aniya hindi matatalino kundi mga tapat na lider ang pinili ni Lee na maging bahagi ng kanyang pamahalaan.

Matatandaan na hanggang ngayon ay hindi pa rin tinutugon ang panawagan ni dating Pang. Duterte na buksan ang accounts ng Kamara at isapubliko ito. Sa halip ay naglabas ito ng resolusyon na nananawagan ng pagkakaisa sa mga miyembro nito na labanan ang mga nagnanais na sirain ang institusyon.

More in Kingdom News

Latest News

To Top