Connect with us

Private Hospital Association, hindi pabor na gawing ‘optional’ ang outdoor na pagsusuot ng face mask 

Tutol ang Private Hospital Association of the Philippines (PHAPI) na gawing optional ang pagsusuot ng facemask pag nasa labas.

National News

Ito ang inihayag ni PHAPI President Dr. Jose Rene De Grano sa Laging Handa Public Briefing.

Ayon kay Dr. De grano kailangan natin na ipagpatuloy ang pagsusuot ng mask dahil importante na magkaroon ng proteksiyon sa ibat-ibang infections hindi lang sa COVID-19.

Kaya naman hinikayat ni De Grano ang publiko na sumunod sa minimum public health standards lalo na ang pagsusuot ng face masks para mapanatili ang low risk case classification ng bansa.

Matatandaang kamakailan lang ay nagpalabas ng executive order si Cebu Governor Gwen Garcia na magiging optional nalang ang pagsusuot ng facemask sa kanyang probinsya.

Samantala, inirekumenda ng PHAPI kay President-Elect Ferdinand Marcos Jr. na si Dr. Ted Herbosa ang maging sunod na kalihim ng Department of Health (DOH).

Habang nauna nang inirekumenda ng Philippine Medical Association at ni Presidential Adviser Joey Concepcion si Dr. Ted Herbosa na maging susunod na DOH Secretary.

More in National News

Latest News

To Top