National News
Pro-gov’t youth sectors at mga kadete ng AFP, nagsama-sama sa National Youth Convention
Pinangunahan ng National Youth Commission (NYC) ang isang 4 day National Youth Convention mula sa pinagsanib na puwersa ng mga student leaders, SK Federations at mga kadete ng ibat ibang law enforcement unit ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Hakbang ito sa mas pinalakas na ugnayan ng mga ahensya ng pamahalaan lalo na sa mga kabataan upang iwaksi, alisin at puksain ang mapanlinlang na propaganda ng mga organisadong grupo ng CPP-NPA-NDF sa bansa.
Ilan sa mga ito ang Kabataan-k, Anakpawis-a, Bayan Muna-b, Alliance of Concerned Teachers at Gabriela na mga grupong inorganisa at konektado sa CPP-NPA-NDF.
Ayon kay NYC Chairman Commissioner Ronald Cardema, umpisa palang ito ng mas malaking pagsasama-sama at pagkakaisa ng mga sektor para labanan ang CPP-NPA-NDF.
Dito aniya masasalamin ang tunay na kahulugan ng katagang “ang kabataan ay pag-asa ng bayan” at hindi sakit sa ulo ng lipunan.
Nangako ang National Youth Commission na hindi nito bibiguin ang bayan at sambayanang Pilipino na hubugin ang mga kabataan na huwag umanib, sumapi at maging biktima ng panloloko at propaganda ng mga makakaliwang grupo.
