Connect with us

Problema sa PUV modernization, sosolusyonan ni dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson

Problema sa PUV modernization, sosolusyonan ni dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson

National News

Problema sa PUV modernization, sosolusyonan ni dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson

Pinawi ng dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson ang pangamba ng libu-libong transport operator para sa pagkakaroon ng modernong jeepney.

Sinabi ni Singson nakipag usap na siya sa lahat ng mga presidente ng transport group at maging kay Transportation Secretary Jaime Bautista na siya na ang mag-provide ng mga electric vehicles para sa PUV Modernization Program (PUVMP).

Pagtitiyak ni Singson, hindi na kailangan ng downpayment at guarantee para magkaroon ng pinapangarap ng electric vehicles ayon sa nais na disenyo.

Paglilinaw din ng dating Gobernador ng Ilocos Sur na wala siyang intensyon na magnegosyo, ang sa kanya lamang ay tumulong sa mga kababayan na nababahala sa ipapatupad na Jeepney Modernization Act.

Dagdag pa ni Singson na bukod sa mga transport group ay may kumausap na sa kanyang mga kooperatiba.

Pero payo niyang mas mabuti pang mag direkta na lang sa mga nakausap niyang transport group para wala nang patong na porsiyento.

Sa katunayan, nasimulan na nga raw nila ang magpagawa ng electric jeepney pero prototype pa lamang at kung magustuhan ang ginawang modernong sasakyan  ay mag mass production na sila .

Bukod aniya sa Jeepney ay maari din silang magpagawa ng electric trycle.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top