Connect with us

Produksyon ng asukal, posibleng bumaba sa 10-15% dahil sa banta ng El Niño – sugar producers

Produksyon ng asukal, posibleng bumaba sa 10-15% dahil sa banta ng El Niño – sugar producers

National News

Produksyon ng asukal, posibleng bumaba sa 10-15% dahil sa banta ng El Niño – sugar producers

Ikinababahala na ng sugar producers ang posibleng epekto ng pagtama ng sa sektor ang agrikultura partikular na ang taniman ng tubo.

Ito ang inilahad ni Manuel Lamata, presidente ng United Sugar Producers Federation (UNIFED).

Sa ibinahaging datos ni Lamata, posibleng umabot sa 180-K hanggang 200-K metriko tonelada (MT) ang mawala sa produksyon ng asukal.

Ito ay dahil sa kawalan ng tubig kung kayat inaasahang matutuyo ang tanim ng mga magtutubo.

“Mga 10%-15% ng lahat ng production or 180,000 to 200,000 metric tons of sugar ang hindi na maha-harvest kaso wala, tumuyo. So, ‘yung anong tawag ‘yung 200,000 that’ 4 million bags or 50 kilos o 4 million po,” ayon kay President, UNIFED, Manuel Lamata.

Pero, gumagawa na nang hakbang ang Sugar Regulatory Administration (SRA) ng Department of Agriculture (DA) upang agad na matugunan ang problem dahil sa banta ng tagtuyot.

Ayon kay SRA Board Member at Planter’s Representative Pablo Azcona, nakatalag na ang kanilang interbensyon upang mapigilan ang pagsira ng mga tanim.

Kabilang sa mga inilatag na hakbang ay ang paglalagay ng solar pump sa mga malalaking sakahan, pagbibigay ng irrigation equipment at pagsasagawa ng cloud seeding o pagpapaulan sa mga maliliit na sugar cane farm lalo na sa probinsya ng Negros.

Ito rin ang inilatag nilang hakbang kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa ginawang pagpupulong kahapon, Abril 18.

Sinabi pa ni Azcona, sa ganitong panahon din tumataas ang gastos dahil kailangan ng dagdag na patubig sa mga sakahan.

Sa pagtataya ng SRA, inaasahang tataas sa P5 – P6 kada kilo ang dagdag presyo sa farm gate price ng asukal.

Pero, mas nakakabahala aniya ang inaasahang epekto ng suplay ng asukal sa susunod na taon.

Dagdag pa ni Azcona, tapos na ring naratipikahan ang memoramdun na nagpapahintulot na i-donate na ang smuggled asukal sa DA.

Nasa 80-K MT ng smuggled asukal na maaaring ibenta sa mga Kadiwa store na nagkakahalaga ng P70 kada kilo.

Habang upang hindi makaapekto sa mga lokal na magsasaka ang pagdating ng imported na asukal, inaasahang magpapatupad ng P85 Suggested retail price ang SRA sa mga refined asukal ito man ay imported o lokal.

Samantala, kasama sa tinalakay sa pagpupulong kahapon ng SRA kasama ang pangulo ay ang pagtatalaga ng bagong officer-in-charge (OIC) sa SRA.

Kasunod ito sa pagbitiw sa puwesto ni SRA David Alba nitong Abril 15.

More in National News

Latest News

To Top