Connect with us

Produksyon ng palay sa unang bahagi ng 2024, bumaba – PSA

Produksyon ng palay sa unang bahagi ng 2024, bumaba – PSA

National News

Produksyon ng palay sa unang bahagi ng 2024, bumaba – PSA

Bigas ang pangunahing pagkain o ‘staple food’ kung tawagin ng mga Pilipino.

Ang industriya ng bigas sa bansa ang nagbibigay ng kabuhayan sa maraming Pilipino, lalo na sa mga nasa kanayunan na karamihan ay magsasaka ng palay.

Kaya’t ang pagbabago sa produksyon ng palay ay may malaking epekto hindi lamang sa kanilang pagkain kundi pati na rin sa kanilang kabuhayan.

Sa datos nga ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba ng higit 4.68-M metriko tonelada (MT) ng palay sa unang bahagi ng 2024.

Mababa ito sa naging produksyon ng palay noong nakaraang taon na higit 4.77-M MT.

Ang Federation of Free Farmers Cooperatives (FFF) nababahala sa posibilidad na mas sumikip pa ang suplay ng bigas sa mga susunod na buwan dahil sa tumitinding init ng panahon bunsod ng El Niño.

“Ang problema natin niyan paghumina ‘yung ani sa 2nd quarter ang next harvest niyan ay September, October o November pa. So, we are talking of a 4-month period na wala tayong ani so thats what we called the lean months. So, for 4 months we will get a supply until we will reach the next harvest season. So, kung mabababa ang ani natin ngayong 1st at 2nd quarter we will have to rely on the imports,” ayon kay National Chairman, FFF, Raul Montemayor.

Paano ba naman kasi mas malaking bahagi nang naapektuhan ng El Niño sa usapin ng agrikultura ay sektor ng palay.

Sa bulletin number 9 ng Agriculture Department, umakyat pa sa higit P5-B ang halaga ng pinsala sa agrikultura.

Kabilang pa sa mga pananim na nasira ay mais, cassava, high value crops tulad ng gulay at iba pang agri products.

Higit 113-K magsasaka ang naapektuhan na may higit 104-K ektarya ng sakahan.

May pinakalamaking pinsala sa MIMAROPA Region, Western Visayas, Cordillera at Cagayan Valley.

“Doon sa El Niño, nakapagbigay na tayo ng more than P2.18-B worth ng interventions sa mga affected farmer and fisher kasama na rito iyong RFFA na P1.065-B, P658-M na worth ng inputs, ito iyong mga fertilizers, mga pumps, and engines, mga pipes na ipinamamahagi through our regional field offices,” ayon naman kay Spokesperson, DA, Asec. Arnel De Mesa.

Sabi ng DA, walang dapat ikabahala sa pagbaba sa produksyon ng lokal na palay dahil hindi naman ito nakaapekto sa kabuuang suplay. Sunod-sunod din kasi ang pagdating ng mga imported na bigas na nakatulong upang mapatatag daw lalo ang suplay ng bansa.

“In terms of supply, hindi naman ganoon kalaki iyong 100-K metric tons pa sa ngayon.”

“Despite the El Niño, we still have sufficient supply of rice,” dagdag pa ni Asec. Arnel De Mesa.

Samantala, umaksyon na rin ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga kababayan nating apektado ng El Niño.

Sa kanilang datos, umabot na sa mahigit 695-K pamilya sa 13 rehiyon ang apektado ng El Niño.

Kaya naman ang DSWD.

“Nakapaghatid na po tayo ng mahigit P97-M worth of relief assistance doon po sa mga naapektuhan. This is through a family food packs dahil ito ang immediate na pangangailangan ng ating mga kababayan na naapektuhan ng severe drought na results of El Niño phenomenon,” pahayag ni Spokesperson, DSWD, Asec. Irene Dumlao.

More in National News

Latest News

To Top