National News
Prof. Carlos, handang tumulong sa bansa hingil sa foreign policy
Handang-handa si professor at political analyst Clarita Carlos na tumulong sa bansa.
Kasunod ito sa lumalaganap na draft list ng magiging gabinete ng administrasyong Bongbong Marcos kung saan siya ay nakalagay bilang Foreign Affairs secretary.
Ani Carlos sa panayam ng Sonshine Radio, bilang iskolar ay mas ikatutuwa nyang magagamit ang kanyang kaalaman hinggil sa foreign policy.
“I’m very happy that as a scholar, my expertise has been recognized. But, I think there are certain positions na I don’t want to do kasi hindi ko area ‘yun eh,” ani Prof. Carlos.
Samantala, ayon kay Prof. Carlos, pagbigyan na muna ni Sen. Risa Hontiveros si presumptive Vice President-elect Mayor Inday Sara Duterte na ipakita sa buong bansa kung ano ang magagawa nito sa Department of Education (DepEd).
Ito’y matapos kinontra ng senadora ang posibleng pagkakatalaga ni Inday Sara sa nasabing ahensya.
Ayon kay Carlos, marami namang naging secretary of Education sa bansa na walang kinalaman sa edukasyon.
