Connect with us

Prof. Tiquia sa 2 batalyong SAF troopers: Duterte lang ang pakay nila

Prof. Tiquia sa 2 batalyong SAF troopers: Duterte lang ang pakay nila

National News

Prof. Tiquia sa 2 batalyong SAF troopers: Duterte lang ang pakay nila

Paliwanag ng Philippine National Police (PNP) na walang kinalaman sa mga Duterte ang pagpapadala ng 2 battalion ng Special Action Force (SAF) troopers sa Davao Region.

Ngunit hindi kumbinsido ang isang political strategist dito.

“Mali po ‘yung mga lumabas po na nag deploy po dun ng dalawang SAF at matagal na po na meron pong naka deploy na SAF po doon sa Davao region at naka distribute po ‘yan sa mga probinsya hindi po concentrated lang po ‘yan sa Davao po,” ayon kay PNP-PIO, Chief, Col. Jean Fajardo.

“Alam po niyo kay Duterte lang ‘yan clearly, kahit na paikot ikotin tayo kahit na anong sabihin si Duterte lang ho ang aim nila ang Davao City gusto nila pabagsakin imaginin mo kung may ganiyang seven hundred ‘yun nga hong nag-declare ng Martial Law sa Mindanao wala ka masyadong nakikita diyan sa airport lang eh,” ayon naman kay Political Strategist, Prof. Malou Tiquia.

Hindi katanggap-tanggap para kay Professor Malou Tiquia, isang political strategist ang naging pahayag ng PNP patungkol sa pagpapatanggal ng halos 40 Davao City police personnel at pag-dedeploy ng 2 battalion na SAF troopers sa Davao City.

Ani Tiquia, di na kinakailangang magbolahan pa sa mga ikinikilos ng administrasyon, gayung alam naman ng taumbayan ang hidwaan sa pagitan ng mga Duterte’t Marcos.

“Ano banaman ‘yung tawagan ni chief PNP na sir ganito po ang gagawin natin o mag bigay ng sir ito ‘yung order sa amin, hindi ‘yung bastang 2 battalion, ngayon ngalang ‘yung nakitang 2 battalion marami ‘yan, kaya pala kagabi sabi sakin police state ha may police state,” saad pa ni Prof. Malou Tiquia.

Dagdag pa ni Tiquia, sana man lang ay nakapagbigay ng malinaw na paliwanag sa alkalde ng Davao City kung bakit biglaan ang pagpapadala ng SAF troopers gayung maayos naman sa kasalukuyang pamamalakad ni Mayor Sebastian Duterte sa kaniyang lungsod.

“Talagang pambabastos lets call spade a spade, wag na ho kayong, wag niya na sabihin na alam mo wala ‘yan let’s call spade a spade at ‘yun ang number 1 Ka Eric hindi ho bobo ang Pilipino,” ani Tiquia.

Saad pa nito, nakakabahala ang ganitong aksyon ng pamahalaan dahil kung maisakatuparan umano’y plano ng “powers that be” ay posibleng sa darating na 2025 ay wala nang makikitang Duterte sa mundo ng pulitika.

Pero, paalala nito sa ginagawang hakbang ng administrasyon…

“Pag-aralan niyo ang psychographics ng Mindanao, kitilin niyo sila, i-push niyo sa pader babalik at babalik ‘yan at magugulat kayo sa reaksyon na mangyayari,” aniya.

More in National News

Latest News

To Top