Connect with us

Proklamasyon ng mga nanalong senador, uunahin ng COMELEC

Proklamasyon ng mga nanalong senador, uunahin ng COMELEC

National News

Proklamasyon ng mga nanalong senador, uunahin ng COMELEC

Target ng Commission on Elections (COMELEC) na maiproklama na ang mga nanalong senador.

Ayon kay COMELEC Spokesperson John Rex Laudiangco, kung hindi man ngayong linggo ay sa susunod na linggo na ito gagawin dahil nais na nilang matapos ang pagbibilang upang makatipid na rin ang gobyerno.

Sinabi din ni Laudiangco na hindi maaantala ang proklamasyon ng winning senators sakaling hindi na makakaapekto sa resulta o sa senatorial race ang idaraos na special elections sa Lanao del Sur.

Sa ngayon, hinihintay din ng poll body ang manually accomplished ballots mula sa local absentee voting at sa 63 barangay sa North Cotabato.

Gayunman, mas kumplikado ang pagbibilang ng boto at proklamasyon ng nanalong party-list groups kaya mas mauuna ang mga senador.

Ipinaliwanag ni Laudiangco na hindi tulad sa senador na popularity vote ang labanan, ang mga party-list ay dapat makakuha ng hindi bababa sa 2% ng voters’ turnout para maka-garantiya ng isang house seat.

More in National News

Latest News

To Top