Metro News
Promosyon ng 33 AFP senior officers, aprubado na ng CA
Aprubado ng Commission on Appointments (CA) ang ad interim promotion ng 33 military officers sa ginanap na plenary session and deliberation sa Pasay City.
Ang mga appointees ay binubuo ng isang lieutenant general, isang major general, 3 brigadier generals at 28 colonels/Navy captains.
Ang mga nasabing senior officer ay pinangunahan ni LtGen. Facundo Palafox lV na itinalaga rin bilang bagong commander ng Southern Luzon Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ang kumpirmasyon ng mga bagong opisyal ay patunay sa epektibong pagpapatupad ng merito sa hanay ng militar at nagpapakita ng tamang pagpili sa mga sundalong may kakayahan maging lider na naayon sa kakayahan at karakter ng isang sundalo.
