National News
Proseso sa pumanaw na akusado sa pagpatay kay Percy Lapid, tinapos na ng NBI
Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na naiproseso na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga litrato at fingerprints ng pumanaw na si dating Bureau of Corrections (BuCor) Security Official Ricardo Zulueta.
Magugunitang isa si Zulueta sa mga pangunahing akusado sa kasong pagpatay sa mamamahayag na si Percival Mabasa o Percy Lapid at sa itinurong middleman na si Jun Villamor.
Isinagawa ito ng NBI batay sa utos ng DOJ na malalimang imbestigahan ang pagkamatay ni Zulueta at alamin din kung tunay ba ang death certificate ni Zulueta.
Kaugnay nito ay nakasaad umano sa death certificate na ang sanhi ng pagkamatay ni Zulueta ay dahil sa cerebral vascular disease Intracranial hemorrhage.
Samantala, bukod kay Zulueta at sa 10 iba pa ay pangunahing akusado sa kasong murder si dating BuCor Director Gerald Bantag.
Magugunitang si Lapid ay inambush o pinagbabaril noong October 3, 2022 malapit sa kanyang bahay sa Las Piñas City.