Connect with us

Proteksyon para sa OFWs, dapat palakasin pa- senador

Proteksyon para sa OFWs, dapat palakasin pa- senador

National News

Proteksyon para sa OFWs, dapat palakasin pa- senador

Panahon na upang magpatupad ang Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng mas striktong panuntunan para maprotektahan ang mga OFW.

Ayon ito kay Sen. Raffy Tulfo sa isang hearing kamakailan bilang chairman ng Senate Committee on Migrant Workers.

Kaugnay ang pahayag ng senador sa pagkasawi ng dalawang overseas Filipino workers (OFWs) sa Saudi Arabia ngunit sinasabing hindi malinaw kung totoo ang resulta ng autopsy sa mga ito.

Ang biktima na si Jelyn Arguzon ay ipinadala sa Jeddah bilang household worker noong Hunyo 16 ngunit huli itong nakausap ng kanyang asawa nitong Hunyo 27.

Hulyo 19 na ng matagpuan itong patay sa bahay ng kanyang employer at ng maisalang sa autopsy ay sinabing natural cause ang sanhi ng pagkamatay.

Si Riolyn Sayson naman ay Hulyo 15 nang huli itong makausap ng kanyang asawa at Hulyo 16 nang ito’y nasawi.

Sa medical report ay cardiac arrest ang sanhi ng pagkasawi ni Sayson.

More in National News

Latest News

To Top