National News
Protocols sa ilalim ng GCQ, pinamamadali sa Inter-Agency Task Force
Pinamamadali na ang paglalatag ng protocols sa mga lugar na sasailalim sa ‘ bago sumapit ang panibagong extension ng lockdown pagsapit ng Mayo 1.
Sa video conference briefing ng house defeat Committee, iginiit ni Peace and Order Committee Chairman at Masbate Rep. Narciso Bravo sa Inter-Agency Task Force ang kahalagahan na maisapubliko na ang mga alituntunin upang maunawaan ng mga mamamayan at ng nagpapatupad ng batas.
Sa ilalim ng GCQ, papayagan nang bumiyahe ang mga public transportation at bubuksan ang ilang establishimento at industriya.
Tinukoy din nito ang ilang problema sa ilalim ng enhanced community quarantine tulad ng social distancing, stay at home policy at paghahatid ng basic at essential goods sa buong bansa.
