Metro News
Provincial public vehicles, ipagbabawal sa Metro Manila sa panahon ng quarantine
Pansamantalang ipagbabawal ng Department of Transportation (DOTR) ang pagpasok at paglabas ng mga pang-probinsyang mga pampasaherong sasakyan sa Metro Manila.
Bunsod ito ng ipinatutupad na community quarantine sa Metro Manila na tatagal hanggang Abril 14.
Ayon kay Transportation Undersecretary Artemio Tuazon Jr, ang lahat ng mga bus ay magbababa ng kanilang pasahero sa mga border ng Metro Manila.
Ang mga pasahero ay sasakay na lamang ng mga city bus operation at jeep papasok ng Metro Manila.
Sa mga galing North Luzon, ang Bocaue, Bulacan ang magsisilbing drop off point at sa Southern Luzon naman ang Sta. Rosa, Laguna.
Isasailalim naman sa thermal scanner ang mga pasahero at kailangan ng company id bilang patunay na nagtatrabaho ang mga ito sa Metro Manila.
