Connect with us

Proyektong tutugon sa mga pangangailangan ng mga mangingisda sa WPS, mas pinalakas pa ng BFAR at DA

Proyektong tutugon sa mga pangangailangan ng mga mangingisda sa WPS, mas pinalakas pa ng BFAR at DA

National News

Proyektong tutugon sa mga pangangailangan ng mga mangingisda sa WPS, mas pinalakas pa ng BFAR at DA

Ang Pilipinas ay sagana sa likas na yaman sa kalupaan man o maging sa karagatan, kaya naman kahit tumitindi ang tensyon sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS) ay hindi nagpapatinag ang mga Pilipino makuha lang ang biyaya na bigay ng karagatan.

Araw ng Martes, April 16, namigay ang Department of Agriculture (DA) at ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng mga ayuda sa mga mangingisda sa pamamagitan ng Livelihood Activities to Enhance Fisheries Yields and Economic Gains from the West Philippine Sea (LAYAG-WPS) Project.

Ang nabanggit na proyekto ng pamahalaan ay naglalayong tugunan ang mga pangangailangan ng mga mangisngisda sa WPS.

Ang LAYAG-WPS ay nakatuon sa pagpapalakas ng kakayahan at kapasidad ng mga mangingisdang Pilipino sa WPS sa pamamagitan ng suportang moderno at angkop na mga bangka at kagamitang pangisda, pagpapababa ng post-harvest losses at responsableng pamamahala ng pangisdaan na nakaayon sa mga batas at regulasyon.

Ayon kay Senator Cynthia Villar, marapat lang na bigyan ng pansin ang mangingisda dahil malaki ang papel na ginagampanan ng mga ito sa suplay ng pagkain.

“Ang lakas ng contribution ng West Philippine Seas para sa ating fisheries output kaya napaka-importante po kayo at napakaimportante na maipagpatuloy nyo ang inyong pangingisda sa West Philippine Seas,” ayon kay Sen. Cynthia Villar.

Ayon naman kay BFAR National Director Atty. Demosthenes Escoto, base sa tala ng BFAR nasa mahigit 200-K metrikong toneladang (MT) isda ang nakuha mula sa WPS, mas mataas ito ng 15% kumpara noong nagdaang taon.

Kaya sa pamamagitan ng proyekto ng pamahalaan at pagtutulungan ng ibat-ibang ahensiya ng gobyerno, naniniwala ang BFAR na mahihigitan pa nila ito ngayong taon.

“But we believe that we can still improve the numbers we can sustainably harness the full potential of WPS and with the help of our government agencies at ni Sen. Villar ay we will able to do it,” ayon naman kay BFAR, National Director, Atty. Demosthenes Escoto.

Umabot naman sa 150 ang naging benepisyaryo sa naturang proyekto na karamihan sa kanila ay mula sa Central Luzon at Ilocos Region.

Kabilang sa nasabing livelihood assistance ang dalawang 62-footer fiber reinforced plastic (FRP) vessels, gillnets, fuel subsidies, at post-harvest training.

Samantala, upang masubukan ang ibinigay na bagong bangka sa mga mangisngisda naglayag ito papuntang WPS.

Ngunit bago umalis nagbigay ng payo si Senator Villar para hindi magkaroon ng tensyon sa pupuntahan.

“Paalala ko lang ito sa military wag kayong magpakita kasi pag masyadong obvious na maraming military baka lalong pag initan itong ating small fisher folks,” dagdag pa ni Sen. Villar.

Kaugnay nito aminado naman ang dating AFP chief of staff at ngayoy Presidential Assistant for Maritime Concerns National Coast Watch Council na si Andres Centino na mayroong mga pagsubok na kinakaharap ang mga mangingisda sa WPS ngunit hindi lang aniya ito pagsubok sa seguridad kundi maging sa suplay ng pagkain sa bansa.

“Its not just solely security aspect kaya nga itong initiative ng department of agriculture helping our fishermen na they will motivated alam naman natin may mga challenges naman talaga.”

“Well its our exclusive economic zone and we have all the right to avail and enjoy the resources in the West Philippine Sea,” pahayag ni Presidential Assistant for Maritime Concerns National Coast Watch Council, Sec. Andres Centino.

Kasunod nito ayon kay Ka-Cuto na matagal nang mangingisda sa WPS hindi aniya maipagkakaila na malaki ang naitulong ng pamahalaan sa mga mangingisda.

Nilinaw ng BFAR na ang pagbibigay nila ng ayuda sa mga mangingisda ay matagal na nilang ginagawa at hindi ngayon lang kung kailan mainit ang tensyon sa mga pinag-aagawang teritoryo.

More in National News

Latest News

To Top