Connect with us

PRRD at Pastor Quiboloy, binigyang pugay ng National Youth Commisson

PRRD at Pastor Quiboloy, binigyang pugay ng National Youth Commisson

Kingdom News

PRRD at Pastor Quiboloy, binigyang pugay ng National Youth Commisson

Binigyang pugay ang malaking ambag sa bayan ni Rev. Dr. Pastor Apollo C. Quiboloy ang honorary chairman ng SMNI kasabay sa ika-27 anibersaryo ng National Youth Commission (NYC).

Partikular dito na ang matapang na pagkontra ng butihing pastor sa CPP-NPA-NDF.

Pinangunahan naman ni NYC chairman and CEO Ronald Cardema ang event.

“He has shown his spiritual and moral guidance sa ating mga kabataan. Unang-una sa kanyang paglaban sa NPA, dahil ang NPA nire-recruit ang ating mga kabataan, dinadala sa bundok para lumaban sa ating gobyerno at ang isang matapang na lider na Pilipino ay si Pastor Apollo Quiboloy,” ani Cardema.

Kinilala rin ang malaking ambag ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa kinabukasan ng mga kabataan.

Ani Cardema, malaki ang pasasalamat niya sa pangulo dahil malaki ang puso nito sa susunod na henerasyon ng mga kabataan.

“Napaka-laki po ng kontribusyon ni Pang. Duterte sa National Youth Commission at ma-realize niyo, binalik ng Duterte Administration ang Sangguniang Kabataan noong 2018,” dagdag pa ng NYC Chairman.

Sa selebrasyon ng NYC, binigyang pugay din si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at incoming president Bongbong Marcos na siyang main author ng NYC Law noong dekada 90.

Ang naturang aktibidad dumalo ang iba’t-ibang stakeholders ng NYC para makapalakas pa ang kampanya ng gobyerno.

More in Kingdom News

Latest News

To Top