National News
PRRD, handang pondohan ang research ng bansa para mahanap ang vaccine vs. COVID-19
Handang tumulong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD) para magsagawa ng malalimang pananaliksik sa gamot laban sa .
Ayon naman kay Department of Health Sec. Francisco Duque III, mayroong pondo ang PCHRD sa kanilang ginagawang pananaliksik ngunit maaaring hindi masimulan ang pananaliksik para sa covid-19 vaccine.
“PCHRD, which is I think attached to the Department of Science and Technology, meron naman po silang pondo para papatuloy ng pananaliksik o research for vaccine production,” saad ni Sec. Duque.
Kaugnay nito, nangako naman ang Pangulo na handang suportahan ng pamahalaan ang nasabing research insitution ng bansa para makahanap ng vaccine kontra COVID-19.
“Kung kailangan nila ng additional funding, all they have to do is magsabi sila. And I’d be glad to, if hindi masyadong malaki kasi gipit tayo sa pera, I will readily give it to them,” pangako ng Pangulong Duterte