Connect with us

PRRD, inirekomendang buwagin na ang party-list system

PRRD, inirekomendang buwagin na ang party-list system

National News

PRRD, inirekomendang buwagin na ang party-list system

Inirekomenda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na administrasyon na i-abolish na ang party-list system sa bansa.

Sa kanyang Talk to The People, sinabi ni Pangulong Duterte na ginagamit lamang ng mga makakaliwang grupo ang party-lists para sirain ang gobyerno at nang sa ganoon sila ang papalit dito.

Una nang pinangalanan ng Punong-Ehekutibo ang mga legal front ng rebeldeng Communist Party of the Philippines (CPP) tulad ng kabataan, Anakpawis, Bayan Muna, Act Teachers at Gabriela o tinatawag na KABAG partylists.

Kaugnay nito, nanawagan din si Pangulong Duterte sa susunod na administrasyon na umpisahan na agad ang proseso sa pag-amyenda ng konstiyusyon sa gitna ng rekomendasyong buwagin ang party-list system.

More in National News

Latest News

To Top