Connect with us

PRRD, maituturing na modern hero ng bansa — Pastor Quiboloy

Inilarawan ni Rev Dr. Pastor Apollo C. Quiboloy, SMNI si Pang.  Rodrigo Duterte bilang modern hero ng Pilipinas.

National News

PRRD, maituturing na modern hero ng bansa — Pastor Quiboloy

Inilarawan ni Rev. Dr. Pastor Apollo C. Quiboloy, honorary chairman ng Sonshine Media Network International (SMNI) si Pang.  Rodrigo Duterte bilang modern hero ng Pilipinas.

Para sa butihing pastor, maituturing na bayani si Pangulong Duterte dahil sa tapang at malasakit nito sa bansa at sa mamamayang Pilipino.

“For me, PRRD is a modern Philippine hero with unsurpassed leadership for the Filipino people,”ani Pastor Apollo.

Isa rin sa hinangaan ng butihing pastor kay Pang. Duterte ay pagiging independent nito.

“He stood up for us, hindi  siya naging puppet sa iba kundi tumayo siya para sa atin, tumayo para sa kaliit liitang Pilipino. Hindi siya alila ng iba, hindi siya puppet ninoman. ‘Yun ang napakaganda, tumayo siya para sa atin at ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para tayo ay maging bansang may dignidad at kumportableng  pamumuhay.”

Sa nalalapit namang pagbaba sa pwesto ni Pangulong Duterte.

Sinabi ni Pastor Apollo, “Napakaikli ng 6 na taon para sa akin sa kanyang panunungkulan sapagkat napakagaling niyang pangulo at mahal na mahal niya ang Pilipino mula sa puso. Wala akong nakikitang katunayan ng pagmamahal niya kundi ang ginawa na niya. Tunay na pagmamahal. Isang one in the million ang leadership ni Pangulong Digong with compassion in love who stood out for the Filipino. ‘Yun ang pinakadakila.”

Kaugnay nito, ibinida rin ni Pastor Apollo sa kanyang programang Powerline ang mga legasiyang iiwan ng pangulo sa milyon-milyong Pilipino.

Aniya, isang biyaya ang ginawang pagbabago ni Pres. Duterte sa Pilipinas, “Napakadami nating dapat na pasalamatan. Isa sa mga nakikita kong gift of God sa atin ay ang pamumuno ng ating pangulo na gumawa ng mga hindi nagawa ng iba.”

Hindi matatawaran rin ani Pastor Apollo ang panunungkulan ni Pangulong Duterte.

“We cannot say enough of the accomplishments that he has done in the past 6 years and we will miss him surely and we hope that the next admin will continue his legacy of the continutity of what he has done,” saad ng butihing Pastor.

More in National News

Latest News

To Top