National News
PSA, may babala sa digital national IDs na nasa DIY PVC cards
Ipinagbabawal ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagpapa-print ng digital national ID sa mga PVC card at iba pang uri ng physical format.
Sa pahayag ng PSA, hindi tatanggapin sa anumang public at private transactions ang digital national ID na naka-PVC card.
Tanging official national ID cards lang na mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas at nai-deliver ng national ID service delivery provider ang ikinokonsiderang valid dahil mas secured ang material at may tamper-proof features pa.
Kasabay nito, ipinaalala rin nila na valid ang digital national ID na accessible sa national ID website.
Ang sinumang mahuhuling nagpapa-print, naghahanda o nag-iisyu ng hindi otorisadong national IDs kasama na ang digital version ay mahaharap sa kasong paglabag ng Republic Act No. 11055 o Philippine Identification System Act.
Nakasaad dito na maaaring makulong ng tatlo hanggang anim na taon ang isang violator at pagmumultahin ng P1M hanggang P3M.