Connect with us

PSC, inanunsyo na wala pang kaso ng COVID-19 sa mga manlalaro ng bansa

PSC, inanunsyo na wala pang kaso ng COVID-19 sa mga manlalaro ng bansa

COVID-19 UPDATES

PSC, inanunsyo na wala pang kaso ng COVID-19 sa mga manlalaro ng bansa

Inanunsyo ng Philippine Sports Commission (PSC) na wala pang national athletes ang nakikitaan ng sintomas ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay PSC Chair William Ramirez, sa ngayon ay wala pa silang natatanggap na ulat ng COVID-19 infections sa kanilang mga atleta maging sa kanilang mga coach.

Walang kahit na sinong atleta o coach ang ipina-test ng PSC ngunit ani Ramirez ay mahigpit na nilang binabantayan ang kalusugan ng higit 1,000 nilang atleta mula sa ibat –ibang laro bago pa man ipatupad ang enhanced community quarantine.

Posted by PSC (Philippine Sports Commission) on Thursday, 19 March 2020

Posted by PSC (Philippine Sports Commission) on Thursday, 19 March 2020

Tumutulong din ang National Sports Association (NSAS) sa PSC sa pagbabantay sa kalusugan ng mga atleta sa pamamagitan ng paghingi ng update sa mga ito araw-araw.

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top