National News
Publiko, hindi dapat mag-panic sa posibleng food shortage – DTI
Hindi dapat mag-panic ang publiko sa posibleng kakulangan ng suplay ng pagkain.
Ito ang inihayag ni Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez sa kabila ng ipinatutupad na
Ani Lopez, pinahihintulutan na nilang magpatuloy ang operasyon ng mga kumpanyang nagsusuplay ng essential goods para masiguradong hindi maubusan ang publiko.
“Ang maganda hong nangyari ngayon even under the enhanced community quarantine, para po hindi tayo magkaroon ng kakulangan sa pagkain, ipinagpatuloy ang pag-supply ng food production. Ipinagpatuloy ang paggawa ng pagkain,” saad ni Sec. Lopez.
Sa katunayan nga, pinahintulutan na ng DTI ang lagpas 50% na workforce para makapagbigay ng sapat na supply.
Dagdag rin ng kalihim, tinitiyak nilang walang profiteering o pananamantala gaya ng hoarding ng mga supplies.
Sa mga micro SMES naman maaari silang pautangin ng low interest rate para may working capital ito kung ma i-lift na ang ECQ.
Samantala, binigyang-diin din ni Lopez na pinagsisikapan din ng DTI na makapag-produce ng face masks at mga PPES bilang suporta sa mga frontliners.
