Connect with us

Publiko, hinimok na bigyang-pugay ang mga frontliners simula bukas, Araw ng Kagitingan

TatanPubliko, hinimok na bigyang-pugay ang mga frontliners simula bukas, Araw ng Kagitinganggap ng tulong mula sa social amelioration program, lilimitahan- IATF

National News

Publiko, hinimok na bigyang-pugay ang mga frontliners simula bukas, Araw ng Kagitingan

Hinimok ni Cabinet Secretary at Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) Spokesperson Karlo Nograles ang mga Pilipino na bigyang-pugay ang mga health workers at iba pang frontliners simula bukas, Araw ng Kagitingan.

Sa I-ATF briefing, hinikayat nito ang lahat na tumungo sa kanilang pintuan o bintana pagpatak ng 5:00 PM at palakpakan ang mga medical workers, pulis, militar, skeletal work forces, LGU employees na namamahagi relief goods, at ang mga miyembro ng media.

“Ang sabayang palakpak bilang parangal sa ating mga frontliners ay isasagawa alas singko ng hapon, araw-araw simula bukas, ika-9 ng Abril, Araw ng Kagitingan. Maraming Salamat po,” CabSec Nograles.

Araw-araw aniya itong gagawin hanggang matapos ang enhanced community quarantine sa Abril 30.

Dagdag pa ni Nograles na maari ring mag-upload ng videos, mga kanta at tiktok video ang lahat upang ipakita ang suporta at pasasalamat sa mga frontliners.

More in National News

Latest News

To Top