National News
Publiko, inilalayo sa totoong problema ng bansa – FPRRD
Malinaw na inilalayo ng kasalukuyang administrasyon ang atensyon ng publiko sa totoong problema ng bansa.
Halimbawa sa totoong mga problema ayon kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ang lumalalim na problema sa korupsyon, pang-aabuso ng kapangyarihan at kawalan ng kakayahan ng gobyerno.
Tugon ito ng dating pangulo sa pag-demonize ng administrasyon kay Pastor Apollo C. Quiboloy ng the Kingdom of Jesus Christ (KOJC) kahit hindi naman ito convicted sa mga paratang na ibinabato sa kanya.
Nitong August 5, 2024 ay sinimulan na sa Senado ang imbestigasyon hinggil sa labis na paggamit ng pwersa ng Philippine National Police (PNP) sa KOJC.
Pinangunahan ang imbestigasyon ni Sen. Bato Dela Rosa na Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs.
Matatndaan na nilusob ng PNP-Special Action Force (SAF) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang apat na KOJC compounds sa Davao City noong June 10.
Sa gitna ng morning devotional ng mga misyonaryo ay binulabog ang mga ito sa presensya ng mga pulis na animo’y lulusob sa giyera dahil nakasuot ito ng full battle gear.