Connect with us

Publiko, muling pinag-iingat ng CFO sa pekeng CFO certificates

Publiko, muling pinag-iingat ng CFO sa pekeng CFO certificates

National News

Publiko, muling pinag-iingat ng CFO sa pekeng CFO certificates

Muling nagbabala ang Commission on Filipinos Overseas (CFO) sa publiko partikular sa mga nais bumiyahe palabas ng bansa laban sa paggamit ng mga pekeng CFO certificate.

Ang CFO ay ang ahensiya sa ilalim ng Office of the President na siyang tumitingin sa mga karapatan at kalagayan ng mga permanent at long-term migrants.

Ito aniya ‘yung mga umaalis sa Pilipinas at may residency permit sa ibang bansa.

Ayon kay CFO Secretary Dante “Klink” Ang II, naiiba ang mandato ng CFO sa Department of Migrant Workers (DMW) na siya namang tumitingin sa interes ng mga short-term migrant ito ‘yung mga umaalis sa Pilipinas na may employment contract, “Well, ang primary mandate po ng CFO is to link the Filipino diaspora with the Philippines in three ways po – economic, cultural at saka political. Iyong nabanggit ninyo po na mga pre-departure orientation seminar, isa po sa paraan namin to make sure na iyong transition po ng mga migrants abroad will be smooth and successful, so kumbaga po hinahanda po namin sila sa pamumuhay abroad.”

Kaugnay ng kanilang mandato, nagbigay ng babala sa publiko ang Commission on Filipinos Overseas laban sa mga pekeng CFO certificate para makapaglakbay sa ibang bansa.

Ang babalang ito ay matapos maharang ng Bureau of Immigration (BI) kamakailan ang 2 Pilipino na nagpresenta ng pekeng digital CFO certificates.

Sinabi ni Secretary Ang, na-i-turnover na ang 2 manlalakbay sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa imbestigasyon.

Ibinahagi ng kalihim na ang CFO at BI ay may kasunduan sa ‘data-sharing’ na layuning pigilan ang paggamit ng mga pekeng CFO certificate, at iba pa, “Sa ngayon po, dahil mayroon na kaming partnership with BI, talagang nakita po namin from the records po, even before na bumababa na po itong mga instances na mayroong fake certificates.”

Isinalaysay ni Ang na ang paggamit ng pekeng certificate ay napakaseryosong offense dahil isa itong government official document.

Ito aniya ay may mga karampatang parusa at multa.

Sambit ng opisyal, hindi makalalabas ng Pilipinas ang mga ito kung ang ipinakita o hawak nilang dokumento ay napatunayang peke.

Ang mandatory pre-departure program ng CFO ay isang pangunahing requirement para sa mga may hawak ng immigrant o permanent visa.

Pinayuhan naman ng CFO chief ang kanilang mga kliyente na makipagtransaksyon lamang sa mga awtorisadong frontline employees sa loob ng kanilang opisina.

Bagama’t bumaba ang bilang ng ganitong paggamit ng mga fake certificate ay tiniyak ni Ang na patuloy pa ring nagbibigay ang CFO ng mga abiso at paalala na dapat dumaan sa tamang proseso pagdating sa naturang usapin, “Ang isyu po kasi dito is iyong mga fixer, dati po kasi noong may physical certificates pa, may mga ganitong isyu na iyan, but dahil po sa sistema na nandiyan na po bago pa ako dumating talagang malaki po iyong nabawas na mga instances po na mayroong mga fake.  Paminsan-minsan po mayroon, but I think nabibilang na lang po sa isang kamay iyong mga instances.”

More in National News

Latest News

To Top