Connect with us

Publiko, namulat na vs NPA dahil sa NTF-ELCAC — 8IB commander

National News

Publiko, namulat na vs NPA dahil sa NTF-ELCAC — 8IB commander

Namulat na ang mata ng publiko lalo na ang mga Pilipino na nakatira sa mga malalayo at liblib na lugar dahil sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ito ang inihayag ni 4th Infantry Division-8th Infantry Battalion Commander Lt. Col. Anthony Bacus sa panayam ng Sonshine Radio.

Saad pa ni Lt. Col. Bacus, ang mga concerned citizen na mismo ang nagsusumbong sa kanila upang matunton ang kinaroroonan ng mga nagtatagong mga miyembro ng New People’s Army.

Dahil dito, mas nagiging mabilis ang operasyon nang pagtugis sa mga ito.

Magugunitang nitong Sabado lamang ay nahuli at napatay na ang anak ni  Ka Oriz na isang notorious NPA member sa isang operasyon ng 8th Infantry Battalion.

Samantala, aabot na sa 436 na mga miyembro ng NPA sa area of responsibility ng 8IB ang nagbalik loob na sa gobyerno.

Nangako naman si Lt. Col. Bacus na tatalima sa marching order ni Vice President Sara Duterte na hindi magpapakita ng awa sa mga terorista at kriminal.

More in National News

Latest News

To Top