National News
Publiko, pinag-iingat sa crypto-currency scam
Pinag-iingat ng Philippine National Police (PNP) ang publiko sa na naglipana sa social media.
Ayon kay PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) Director Police Brigadier General Joel Doria, nangyayari ang scam sa pamamagitan ng “crypto app,” kung saan maaaring magpasok ng investment sa pamamagitan ng digital wallet.
Makikita aniya sa app ang paglaki ng kita ng nag-invest kada linggo kaya ito mahihikayat na magpasok ng mas malaking halaga ng salapi.
Pero sa sandaling magdesisyon ang nag-invest na mag-cash out ay hindi nila ito magagawa.
Kaya pinapayuhan ang publiko na bisitahin ang website ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) upang makita ang mga lehitimong kumpanya na maaaring paglagyan ng investment.
