National News
Publiko, pinag-iingat sa mga romantic link na may dalang virus
Hindi dapat basta-basta bubuksan ang mga romantic link na matatanggap ngayong Araw ng mga Puso.
Ito ang mahigpit na bilin ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) lalo’t posibleng samantalahin ng cybercriminals ang okasyon.
Ayon sa ACG, sakaling makatanggap ng email o message na naglalaman ng link mula sa unknown source ay huwag itong bubuksan.
Maliban dito, huwag ding i-download ang mga attachment tungkol sa Valentine’s Day.
Sa ganitong paraan aniya maiiwasan na ma-hack ang account at makuha ang mga personal na impormasyon.
Pinayuhan din ang publiko na mag-install ng anti-virus upang matiyak ang seguridad ng sistema.
