Connect with us

Publiko, pinag-Iingat sa naglipanang love scam

Publiko, pinag-Iingat sa naglipanang love scam

National News

Publiko, pinag-Iingat sa naglipanang love scam

Dahil buwan ngayon ng Feb-Ibig at maraming gustong sumubok sa online dating, nagbabala si Senador Sherwin Gatchalian sa publiko sa naglipanang romance o love scam.

Ayon kay Gatchalian, dapat maging mapanuri sa gagawing transaksyon lalo na kung may kinalaman sa pera.

Iginiit naman nito na dapat maging alisto ang gobyerno sa pagtugis sa mga gumagamit ng financial accounts o E-wallets para makapanloko.

Kaya naman, ipinaalala ni Gatchalian ang kaniyang Senate Bill 2407 o Anti-Financial Account Scamming Act sa gitna ng lumalawak na digital transaction.

Layon nitong protektahan ang sistemang pananalapi ng bansa at tiyakin na protektado ang financial accounts ng isang indibidwal laban sa cyber criminals.

Naghain din ang senador ng panukalang batas laban sa mga indibidwal na nagpapagamit bilang money mules, nakikibahagi sa social engineering scheme at financial scheme.

More in National News

Latest News

To Top