National News
Publiko, pinag-iingat sa umano’y fake Twitter account ng Kamara
Nagbabala si House Secretary Jose Luis Montales sa publiko laban sa fake Twitter account na gumagamit ng logo at pangalan ng Kamara.
Ayon kay Montales, isang Twitter account na @house_files ang nagpapakalat ng maling impormasyon ukol sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) crisis na nagiging dahilan ng panic, takot at pagkalito.
Nilinaw nito na ang @houseofrepsph lamang ang official Twitter account ng Kamara.
Sinabi ni Montales na pinalitan na ang @house_files ng @congresstita pero patuloy pa rin aniya itong nagpapakalat ng maling impormasyon.
Sa ngayon aniya ay inaalam na ng mga otoridad ang mga nasa likod ng account para mapanagot sa ilalim ng Bayanihan To Heal As One Act of 2020 at Cybercrime Prevention Act of 2012.