National News
Pulis at sundalo, nahuling rumaraket sa illegal escort service
1 pulis at 1 ex-army ang inaresto nang maaktuhan ang mga ito na rumaraket bilang police escort sa isang luxury car sa Paranaque City nitong kamakalawa ng hapon.
“Of Course Mayroon itong monetary consideration for them. That is why, theyre doing this kasi nagmo-moonlight sila,” ayon kay PNP-HPG chief, PBGen. Jay Cumigad.
Pera ang nakikitang dahilan ng sunud-sunod na pagkakahuli ng ilang pulis na rumaraket sa illegal escort service sa mga bigating personalidad o indibidwal sa iba’t ibang panig ng bansa.
Nito lamang nakaraang araw, hindi nakaligtas sa galit ni Highway Patrol Group (HPG) chief PBGen. Jay Cumigad ang 1 pulis at 1 dating sundalo nang maaktuhan silang nage-escort sa hindi pa pinapangalanang indibidwal.
Naaresto ang 2habang nagbibigay ng motorcycle escort sa 1 itim na Toyota Alphard Minivan sa kanto ng Diokno Avenue at Aseana City Paranaque City, kamakalawa ng hapon, May 27, 2024.
“They were escorting a vehicle who happens to speed away. So, nakuha sila ng ating team from RHPU-NCR, they are now facing charges for usurpation of authority and admin charges for both the PNP and we still have to coordinate with the AFP what admin charges are they going to file against the AFP personnel,” dagdag pa nito PNP-HPG chief, PBGen. Jay Cumigad.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nagawa pang magpalusot ng 2 unipormadong indibidwal at sinabing sabay lang silang uuwi ng kani-kanilang bahay.
Pero ang kwentong ito ng 2, hindi naman pinaniwalaan ng mga operatiba.
Nabatid rin na 1 sa mga motorsiklong gamit ng pulis at nakarehistro sa Provincial Government ng Cavite.
“Hindi po official HPG na motorcyle ‘yung ginamit but its i think registered under the Provincial Government of Cavite and the other one is private motorcyccle. Private motorcycle was used with the alleged AFP personnel. He deliberately use another uniform, ito po ‘yung nakikita niyong nagba viral using the blue pipe and a riding jacket. Its not official uniform of the HPG,” saad pa ni PNP-HPG chief, PBGen. Jay Cumigad.
Para sa hepe ng Pambansang Pulisya, hindi aniya ito katanggap-tanggap at kailangan itong maimbestigahan kaagad.
“Alam mo kasi dati kaya nangyayari kasi we only look at the people, walang command responsibility . Now, we put command responsibility hindi lang sa tao kasi walang mangyayari kung walang alam ‘yung commander kung sino ang may pananagutan, gusto namin may pananagutan. Kagaya po noong nangyari doon sa SAF, you can see pati ‘yung battalion commander are being investigated. Makikita niyo po talagang justice will roll,” saad naman ni PNP Chief, Gen. Rommel Francisco Marbil.
Kaugnay nito, agad na ipinag-utos ng PNP ang imbestigasyon kasama na ang accounting sa mga tauhan nito para malaman kung sinu-sino pang sa mga miyembro nito ang sangkot sa ‘moonlighting’ at iba pang iligal na aktibidad.
“Sabi ko nga hanggang kung sino ‘yung immediate commander. Papaano ‘yung sistema baka may mali kami sa aming accounting and we have to improve our accounting system, ang binibigyan ko po ay talagang ‘yung IMEG natin to really conduct yung mga tinatawag na accounting pati ang IAS binigyan ko na mag account ng mga tao natin to make sure nahindi nagyayari ang mga ganitong bagay,” dagdag pa ni PNP Chief, Gen. Rommel Francisco Marbil.
Sa pakikipag-ugnayan ng SMNI sa Philippine Army, ipinauubaya na lamang daw nila sa PNP ang pagsasampa ng kaso laban sa ex-army na sangkot sa moonlighting dahil matagal na anila itong wala sa serbisyo.
Nabatid rin na may pending case ang naturang sundalo sa loob ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
