Connect with us

Pulis na hindi pabor sa pamamalakad ng PNP at ni Marcos Jr., sinampahan ng kaso

Pulis na hindi pabor sa pamamalakad ng PNP at ni Marcos Jr., sinampahan ng kaso

National News

Pulis na hindi pabor sa pamamalakad ng PNP at ni Marcos Jr., sinampahan ng kaso

Naghabla na ng kasong inciting to sedition ng Quezon City Police District ang isang tauhan nito dahil sa hindi pagsang-ayon sa ginawang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kinilala ang pulis na si Patrolman Francis Steve Tallion Fontillas.

Sa kanyang FB live feed, nagpahayag ito ng kanyang pagkondena sa mali aniyang paraan ng paghuli kay Duterte at kalaunay hinimok nito ang iba pang pulis na magsalita at lumantad laban sa maling pamamalakad ng PNP at Gobyernong Marcos Jr.

Bukod sa inciting to sedition, nahaharap rin sa kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act si Fontillas.

Napag-alaman na nag-AWOL si Fontillas simula noong March 6.

Muling nanindigan ang PNP sa kanilang mandato na maging appolitical o di makikisawsaw sa isyu ng politika sa bansa.

More in National News

Latest News

To Top