Connect with us

Pulis na suspek sa extortion, nakatakas sa entrapment operation ng PNP

Metro News

Pulis na suspek sa extortion, nakatakas sa entrapment operation ng PNP

Nagawang makatakas ang pulis na suspek sa extortion sa entrapment operation ng pulisya.

Kinilala ang suspek na si PCpl Hadzmer Amer na nakadestino sa Taguig City Police Station.

Photo courtesy: NCRPO PIO

Ayon sa National Capital Region Police Office, ikinasa ang entrapment operation laban sa suspek alas 11:32, Lunes ng gabi, sa Gen. Luna Street, Tuktukan, Taguig City.

Kasunod ito ng sumbong n isang “Jhonelyn”, 28 anyos at residente ng Zone 1, Minipark, Brgy. Southside, Makati City, kaugnay sa paghihingi ng P35,000 kapalit ang pagbasura ng kasong isinampa laban sa ka-live-in partner nito na si Donna Belle Paulino, 29 anyos, na nakabilanggo sa Taguig PNP dahil sa paglabag batas kontra iligal na droga.

Ngunit nakatakas ang pulis na suspek, gamit ang kanyang puting Honda na motorsiklo, sa mga operatiba matapos na makuha ang hinihinging pera nang maramdaman nito na subject siya ng operation.

Hinahanda na ang kasong Robbery (Extortion) na isampa sa Department of Justice, Manila laban sa suspek.

More in Metro News

Latest News

To Top