Connect with us

Pulis sa KOJC Compound, binawasan

pulis-sa-kojc-compound-binawasan

National News

Pulis sa KOJC Compound, binawasan

Nagbabawas na ang pulisya ng kanilang tauhan sa loob ng KOJC Compound.

Ayon kay the Kingdom of Jesus Christ (KOJC) legal counsel Atty. Israelito Torreon, maaaring ang dahilan dito ay ang skedyul ng Senado na magkaroon ng ocular inspection at public hearing hinggil sa iligal na pagkubkob ng mga pulis sa lugar ngayong Biyernes, Setyembre 6, 2024.

Mababatid na naglabas na ng temporary protection order (TPO) ang Davao Regional Trial Court bilang tugon sa writ of amparo na inihain ng KOJC kaugnay sa iligal na paglusob ng Philippine National Police (PNP) sa KOJC religious compound.

Iyon nga lang ay hindi ito sinunod ni Nicholas Torre ng PNP- Region 11 na siyang namuno sa iligal na operasyon.

Bukod sa hindi nila sinunod ay dinagdagan pa nila ang mga pulis sa lugar at patuloy na binabarikadahan ang pangunahing lugar sambahan ng KOJC na klarong paglabag sa karapatan ng KOJC members.

More in National News

Latest News

To Top