Connect with us

Pulong nina PBBM at US VP Harris, nakasentro sa isyu ng WPS

Pulong nina PBBM at US VP Harris, nakasentro sa isyu ng WPS

National News

Pulong nina PBBM at US VP Harris, nakasentro sa isyu ng WPS

Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang kanyang pakikipagpulong kay US Vice President Kamala Harris ay nakasentro sa assessment ng Pilipinas sa sitwasyon sa West Philippines Sea (WPS).

Sa isang video message, binigyang-diin ni Pangulong Marcos na patuloy na sinisikap ng Pilipinas na mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon sa tulong ng Philippine Coast Guard (PCG), militar ng Pilipinas, at ng buong pamahalaan.

Sinabi na rin ni Pangulong Marcos na kukunin niya ang pananaw ni Chinese President Xi Jinping sa magiging pagpupulong nila kung ano ang maaaring gawin upang hindi tumindi ang tensyon sa WPS.

Samantala, sa pakikipagpulong ni PBBM kay Harris, muling pinagtibay ng 2 lider ang lakas ng alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos.

Muling ring iginiit ang kanilang shared commitments na itaguyod ang mga internasyonal na alituntunin at pamantayan kabilang ang tungkol sa South China Sea.

Kasama rin sa napag-usapan ng 2 lider ang patungkol sa usapin ng seguridad at economic growth pati ang pagtataguyod ng human at labor rights.

More in National News

Latest News

To Top