Connect with us

Pulong, paiimbestigahan ang EJKs sa nakalipas na 25 taon

Pulong, paiimbestigahan ang EJKs sa nakalipas na 25 taon

National News

Pulong, paiimbestigahan ang EJKs sa nakalipas na 25 taon

Ninanais ni Davao City Rep. Paolo Duterte na imbestigahan ang umanoy extrajudicial killings (EJKs) sa bansa sa nakalipas na 25 taon.

Kasabay rin ito sa imbestigasyon na ginagawa ng house committee on human rights sa umanoy mga patayan na nangyayari sa ilalim ng termino ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ilalim ng kanyang House Resolution no. 1745, hiniling nito sa Commission on Human Rights (CHR), Department of the Interior and Local Government (DILG), at Philippine National Police (PNP) na makipag-cooperate sa imbestigasyon.

Ang mga ito aniya ang may mga datos hinggil sa extrajudicial killings at iba pang human rights violations.

Samantala, sa government records, nasa 6.2-K lang ang drug suspects na nasawi sa ilalim ng Duterte admin.

Subalit sa mga human rights organization, nasa 30-K umano ang bilang dahil sa unreported killings.

 

More in National News

Latest News

To Top