Metro News
Purple lightings sa Caloocan City Hall, simbolo ng Women’s Month
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Women’s Month ngayong Marso, inilawan ng kulay purple ang buong gusali ng Caloocan City Hall.
Ayon kay Mayor Along Malapitan, hindi lamang paggalang sa mga kababaihan ang kanilang nais, kundi ang pagbibigay ng patas na oportunidad para sa lahat ng kasarian.
Ibig sabihin aniya, walang maiiwan na taga-Caloocan sa pamamagitan ng paglalaan ng magagandang pribilehiyo para sa lahat ng walang diskriminasyon.
