Connect with us

Pwesto ng P3PWD Party-list sa Kongreso, dapat maipawalang-bisa – Cardema

Maganda kung i-forfeit o ipawalang-bisa ang pwesto ng P3PWD party-list sa Kongreso. Ito ang sinabi ni National Youth Commission Chairman Usec. Ronald Cardema

National News

Pwesto ng P3PWD Party-list sa Kongreso, dapat maipawalang-bisa – Cardema

Maganda kung i-forfeit o ipawalang-bisa ang pwesto ng P3PWD party-list sa Kongreso.

Ito ang sinabi ni National Youth Commission Chairman Usec. Ronald Cardema sa panayam ng Sonshine Radio.

Binigyang-diin ni Cardema na ito ay dahil kwestiyunable ang pagbibitiw ng 5 nominees ng naturang party-list para mabigyang-daan ang substitusyon ni dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon bilang 1st nominee nito.

“Dapat hindi ito payagan dahil magiging loophole ito para wala ng eleksyon, hindi ka na kakampanya, bibilhin mo na lang o ine-negotiate mo na lang ‘yung upuan, ‘yung seat sa posisyon after election, ‘di ba? Napaka-mockery, malaking bagay rin ang eleksyon system ng bansa,” ani Cardema.

Giit ni Cardema, hindi dapat payagan ang ganitong uri ng proseso dahil mistula itong pangungutya sa election system ng bansa.

Bukod dito, posible rin aniya itong gamiting istilo ng mga mayayamang indibidwal para makapasok sa politika nang hindi na dadaan sa matinding pangangampanya.

“Sinayang niya ‘yung boto sa inyo dahil bigla na lang kayong hindi makagawa ng mandato, kayong lima. Saan kayo nakakita, tumakbo kayong gobernador, biglang sa isip niyo, ayaw niyo ng tumakbo, sasabihin niyo, kailangan niyo paupuin ‘yung substitute ko, hindi naman ganoon ‘yun eh. Kung kayo ang kandidato, 5 nga kayong kandidato, kayo talaga ang binoto, hindi mo puedeng ipilit na ‘yung papalit ang uupo dahil wala ‘yung mandato,” dagdag pa nito.

Ayon pa kay Cardema, isa itong dahilan kung bakita pumapangit ang imahe ng party-list sytem ng bansa.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top