International News
Qatar, may 6 na bagong kaso ng COVID-19 mula sa expats
May naitalang 6 na bagong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansang Qatar na mula sa mga expatriates na kasalukuyang sumasailalim sa isolation at naka-confine sa Communicable Disease Center.
Maging ang mga nakasalamuha ng 6 na pasyente ay sumailalim din sa medical exam para matiyak na hindi nahawa sa kinatatakutang sakit.
Ayon sa Ministry of Public Health, naglunsad sila ng dedicated hotline number para sagutin ang lahat ng katanungan ng publiko kaugnay sa Coronavirus.
Magugunitnag ipinagpaliban o kinansela ang ilang mga events sa bansang Qatar kasunod ng rekomendasyon ng Ministry of Public Health na iwasan ang mass gatherings at events para hindi kumalat ang sakit.
Ulat ni: Ronnel Mirabel
