Connect with us

QCPD, naghain ng reklamo laban sa grupong Manibela kaugnay sa 2 araw na transport strike

QCPD, naghain ng reklamo laban sa grupong Manibela kaugnay sa 2 araw na transport strike

Metro News

QCPD, naghain ng reklamo laban sa grupong Manibela kaugnay sa 2 araw na transport strike

Naghain ng reklamo ang Quezon City Police District (QCPD) laban sa transport group na Samahang Manibela Mananakay at Nagkaisang Terminal ng Transportasyon (Manibela) kaugnay sa 2 araw na transport strike.

Ito ay dahil sa umano’y kaguluhang nangyari dahil sa naturang kilos-protesta ng grupo tulad ng kaguluhan sa daloy ng trapiko, pinahihirapan ang mga mananakay at kaguluhan sa mga lansangan.

Batay sa reklamo ng QCPD, 3 paglabag ang ginawa ng Manibela.

Ito ay ang paglabag sa Public Assembly Act of 1985; paglabag sa Article 155 ng Revised Penal Code (RPC) dahil sa alarm and scandal; paglabag sa Article 151 ng RPC dahil sa resistance at disobedience at isang direct assault sa isang may awtoridad.

Kabilang sa mga respondent ng kaso ay sina Manibela Chairperson Mar Valbuena at Manibela President Regie Manlapig.

Kasama rin sa kinasuhan ang mga may-ari ng mga sasakyang ginamit sa naturang pagkilos na sina Jasmine Denition at Pacifico Martin Jr.

Bukod dito, sinabi rin ng QCPD na bigo rin ang grupong Manibela na kumuha ng permit mula sa lokal na pamahalaang Lungsod ng Quezon City.

More in Metro News

Latest News

To Top